May 2008
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

LP7 – Umaapoy

LP7 – Fire

Huwebes na naman! Isang edisyon na naman ng Litratong Pinoy at ang tema ngayong linggo ay “Umaapoy”…

Ang litratong ito ay kuha kahapon ng hapon bago kami magsimba ni Mister. Nakakatuwa na bigla na lang niyang naisip na dalhin ang aming camera. Maaga din sa regular na alis namin sa bahay ang aming ginawa dahil magkikita kami dapat ng aking kapatid. Ngunit bago pa man din kami makarating sa bayan, nalaman ko na hindi pala natuloy si utol. At hindi rin namin akalain na kami ay pahihintuin sa aming landas upang magbigay daan sa isang paligsahan ng pagsayaw sa daan. Tamang-tama, maeensayo namin ang aming pagkuha ng litrato!! :D

(It’s Thursday once again! Another edition of Filipino Photography and the theme for this week is “Fire”…

This picture was taken yesterday just before Hubby and I went to hear mass. It’s funny that he just thought of bringing our camera, out of the blue. We even left the house early to meet with my brother, but even before we reached the town proper, brother said we’re not pushing through. And lastly, we didn’t know that our truck won’t be able to pass because there was a scheduled Street Dancing Competition. It was right timing for us to practice taking shots! :D)

 

lp7umaapoy.jpg

 

Akala ng mga tao, mga propesyunal na litratista kami kasi talagang iniiwasan nila na kami ay maharangan at pinabayaan lang na kami’y magkuha. Ang lalaking ito ay kabilang sa panghuling grupo. Nung may sumigaw na dapat magsitabi sapagkat may apoy, natuwa ako’t inagaw ang camera kay mister. Sa isip ko –”ting ting ting ting ting!!! — na parang may bumbilyang kumislap…wala pa kasi akong lahok sa LP! TNM! Kung nagkataon, uulitin ko lang ito.

(The people thought we are professional photographers that they didn’t dare to stand in fron of us and just let us shoot. The man in the picture is a member of the last group. When somebody said that everyone should move aside because there will be fire, I was happy and asked Hubby for the camera. There seemed a light bulb that suddenly flashed in in my head, thinking that I will have a suitable entry for LP. LOL! Otherwise, I would have submitted an older picture.)

Teka ano bang meron at may ganitong paligsahan sa aming bayan? Ahhhh kasi po, linggo ng piyesta. At habang misa, nabanggit ni Padre na kahapon daw ay ipinagdiriwang din ng Bayan ang Anibersaryo ng pagkakatatag ng aming bayan, ang Obando (Bulakan). Kung tutuusin, ang aking lahok ngayong linggo sa LP sa isa lamang literal na interpretasyon ng salitang ‘Umaapoy’.

(So why is there such a competition? See, it is the week of the Town Fiesta. During the mass homily yesterday, the priest said that the town was also celebrating the Inauguration of our humble town, Obando in Bulacan. My entry this week for LP is actually just a literal interpretation of the word Fire.)

Kung meron mang umaapoy sa mga panahon ng piyesta sa Obando, iyon ay ANG AMING DAMDAMIN…umaapoy ang aming kalooban ni Mister sa pagsusumamo, pananalangin, at pagpupugay sa Panginoon sa pamamagitan ng tatlong Patron ng aming Parokya — Sina San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi at Mahal ng Birhen ng Salambao — na sana kami ay mabiyayaan na ng supling. Sinasama na din namin ang pagdarasal kina Birhen ng La Leche at Saint Therese of Child Jesus. Hindi na ito lingid sa aming mga kaibigan at iba pang mambabasa ng aking blag sapagkat ito ay nabanggit ko na dito, masaya lang akong ibahagi sa mga bagong kaibigan sa LP upang matulungan din ninyo kami sa pagdadasal :)

(If there is one thing that is fiery at this Fiesta time in Obando, it would be our feelings. Hubby and I are calling out to the Lord, praising and glorifying Him through the three Patron Saints — Saint Pascaul Baylon, Saint Claire of Assisi, and Our Lady of Salambao — that we may be blessed with a child. We also pray to Our Lady of La Leche and Saint Therese of the Child Jesus. Most of my friends and my other blog’s readers know this. I am just sharing it here so my new friends at LP cana help us pray even more.)

Ang Kasilonawan sa Obando (Obando Fertility Festival) ay ginaganap tuwing Mayo. Isang linggo ang paghahanda para sa kapistahan ng tatlong patron na nabanggit sa Mayo 17, 18 at 19. Dinadayo ang aming bayan ng mga mag-asawang wala pang anak. Sinasabi na ang pagsasayaw at pagdarasal ay paraan upang mabiyayaan ng anak. Naniniwala ako dito dahil dalawa sa aking malapit na kaibigan ay “hiningi” ng kani-kanilang mga magulang…isa sa kanila ay humingi at nabigyan din ng anak. Marami din ang dumadayo upang humingi ng asawa at mahusay na pamumuhay.

Halina’t makipiyesta na sa amin sa darating na Sabado, Linggo at Lunes…yun nga lang, wala kaming handa!!! :P

(The Kasilonawan Festival or the Obando Fertility Festival happens every May. The celebration starts one week before the feast days happen on May 17, 18 and 19. People, specifically amrried couple with no children, from all over the Philippines troop to our small town. They say that dancing and praying work miracles. I know this to be true because two of my friends were blessings, one of them even asked and was blessed with a boy. Other go to our town for other requests like for a spouse and for a better livelihood.

Coma an djoin us during the Fiesta on Saturday, Sunday and Monday…although we are not preparing food for guests LOl!)

Iba pang lahok sa LP.

35 comments to LP7 – Umaapoy

  • aga natin, kaje noh! he he ang galing naman nito, ayos na ayos sa timing si mister.TNM :) hayaan mo aalalahanin ko at ipapanalangin din ang inyong kahilingan na magkaron na ng tsikiting. :)

    maligayang LP, kaje!

    k: salamat teys! inabangan ko talaga! adik ba?!!? :)

  • Naku, mahirap na trabaho yan. Kapapanood ko lang sa day Off. Mukha ng maggive up si Pekto. Kailangan may disiplina. Kundi, patay o sunog!

    Ang swerte nyo naman ni Mister. Natyempuhan nyo ito!

    Magandang Hwebes.

    k: pero nung ginagawa nung mama, parang madali lang hehehe nagpapasalamat din kami dahil natyempuhan namin :)

  • Hi Kaje! Sobrang gusto ko ng lahok mo ngayong linggo. Lalo na nang mabasa ko ang kuwento sa likod nito – ang galing! Para bagang itinakda na makuhanan mo itong mamang ito ano?

    Nawa’y dinggin ng Panginoon ang inyong umaapoy na dasal sa lalong madaling panahon!

    Magandang Huwebes sa iyo!

    k: maraming salamat at nagustuhan mo :)

  • Aray, naabot ang buhok ko!

    Ganda ng perspektibo pag tinitingnan ko dito…Sana naman ay hindi ka natilamsikan. ingat!

    Gandang Huwebes!

    k: nakow pasensya na at nasunog yata buhok mo ;) hindi naman po natalamsikan…ng laway hehehe :)

  • Ang laki ng apoy na nagawa nya. Marami-raming gaas kaya ang ibinuga nya? :) Galing ng timing mo para makuha ang shot na yan.

    k: tinutungga niya yung gaas sa 1.5 na bote ng sprite..mukhang nakarami siya ehehehe…naka-half press na po ako nung marinig kong may bumubuga ng apoy kaya nasakto :)

  • ang galing at nabigyan ka ng pagkakataon na makakuha ng ganitong litrato! ang ganda!
    magandang huwebes sa’yo!

    k: salamat lidie!

  • magkakaron din kayo ng babies. madaming madami. :D happy thursday

    k: vera, wag naman agad agad na madaming madami hahahahaha

  • Kaje, napakagandang larawan. Kaisa ako sa iyong panalanging na nawa’s mabiyayaan kayo ng supling.

    Maligayang araw ng Huwebes sa iyo :)

    k: teacher julie, maraming salamat sa iyong pakikiisa :) nakakatats talaga! :)

  • ang galing ng kuha…saktong sakto sa pagbuga nya… buti hindi nagliyab ang taong yan…hehehehe

    happy huwebes…:)

    k: inabangan ko eh :) pagbuga nga niya, naglayuan mga tao kasi ang laki nagawa niyang apoy hehe

  • may na-feature dati sa news na ganyan, kaya lang lumiyab yung buong katawan nya kasi tumapon ata yung gaas na ginamit nya sa damit nya. peligrosong trabaho talaga yang fire-eater. galing ng kuha mo :)

    see u next LP :)

    k: cookie, nakakatakot naman yun! salamat sa pagdalaw!!

  • sa iyong kuha, ikaw nga ay mapagkakamalang propesyonal na litratista :) ang ganda!

    happy hottie hwebes!

    k: nakakataba naman ng puso iyon! :) salamat!!

  • Ang galing ng pagkakakuha mo Kaje! Sana nga ay makamit niyo na ni DH ang inyong hiling! :) Good luck!!!

    Magandang Huwebes!

    k: salamat muli buge! :)

  • i hope mabiyayaan na nga kayo in God’s perfect time. masaya may bata sa bahay.

    k: thank you ronnie! masyado ngang malungkot sa bahay dahil walang bata, sana malapit na!!!!

  • sa unang tingin akala ko yung poste ng kuryente ang sumabog haha!! buti na lang inscroll ko pa sya pababa :P galing ng pagkaka kuha mo ha!

    happy thursday po!

    k: nako buti nagscroll ka kundi lalabas na kagimbalgimbal na naman ang aking lahok, hahah

  • ang ganda ng pagkakakuha… panalo! gusto ko ang kulay ng mama na para bang sya ang umaapoy…

    k: hello iska!! salamat! iyan ay sa tulong ng lightroom mwehehehe

  • wow kaje ganda ng lahok mo at timing na timing nga nag pagkakuha mo nito. katakot lang buti d ka nabugahan ng apoy.. naks napagkamalan pa kayong pro na phtogrpher

    k: thanks ate jen! zoom lens ang katapat hahahah (pero kit lens lang gamit ko nyan :) di ko din ni-crop) akala lang nila yun hahah

  • astig ng lalaki ah, hehehe.

    Pareho tau ng prayers kapatid. ALam ko God will give our lil angel in His perfect timing. :)

    Gandang araw sa iyo kaje. :)

    k: salamat jeanny! ito ang nakakatuwa sa maraming nakikilala sa www, mas nararamdaman ko na hindi kami nag-iisa :) pagbibigyan din tayo! :)

  • ang galing ng kuha! nakakatakot ang itsura ng ibinuga niyang apoy. bilib ako sa mga taong ganyan ang trabaho. mas matinding pag iingat ang kailangan gawin.

    at ang ganda rin ng sermon ng pari.

    happy LP!

    k: malaki nga yung binuga niya, pero sa totoo lang, feeling ko hindi niya yan ginagawa professionally (kasi parang local lang siya sa amin at wala ako nababalitaan na merong may ganyan…natural na manginginom lang siguro kaya malakas ang loob! :D

  • kaje, ang ganda ganda ng pagkakakuha mo, perfect ang timing at anggulo, pro ang dating!! Congrats!

    tirhan mo ako ng handa nyo sa piyesta ha? *wink*

    k: kung merong handa, pagtitirhan kita! :) makikipiyesta lang nga din kami eh heheheh..salamat, salamat!

  • Nawa’y dinggin na ang inyong dasal! Nagbabagang Huwebes sa inyo nis “Mister”!

    k: salamat cathy! :)

  • Nakakatakot naman to! I have not actually seen this only in photos.

    k: pers taym ko din makakita chrys! awesome! :)

  • talagang umaapoy. nakakatakot pagmasdan…sa laki ng liyab, siguradong disgrasya kung may tamaan. tamang tama ang ‘timing’ng pagkakakuha mo.

    k: kaya nga nagtabihan mga tao bigla heheheh :) nakaabang kasi ako, swerte, natimingan :)

  • makalayo nga ng konti at baka mabogahan ako ng apoy, hehehe. amazing photo, it does come alive ;)

    k: heheh nell, perfect timing+nice composition+power of lightroom=lively picture ;)

  • hi kaje, so far ang lahok mo ngayong linggo ang pinaka-paborito ko. :) lahat ng elements na gusto ko sa pic nandito. i really really love it. :)

    at ukol sa hiling mo, hayaan mo’t isasama kita sa aking dasal. :) *hugs*

    MyMemes: LP Umaapoy
    MyFinds: LP Umaapoy

    k: naks, may “fans” na ako nyahahahha! :) thank you meeya, thanks for praying with us! :)

  • Joy

    Ang ganda ng kuha mo! Para ngang propesyunal! :D

    k: salamat joy!

  • perfect timing… nice shot…magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe…

    k: k lang lino, importante, nakadalaw ka, naks! :) salamat!!!

  • galing ng kuha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • winner ang shot mo! ang dramatic! i love yung contrast ng light and heat sa surrounding darkness. winner!

  • Napakaganda ng kuha!!! Timing na timing un pag-klik mo ng shutter! :) Sana nawa`y biyayaan kau ng Panginoon ng isang anghel. :) Maligayang LP Kaje! :)

  • galing! pareho kayo ng entry ni ironnie :) gusto ko yang kuha mo dahil na-capture talaga ang init ng apoy. :)

    happy LP!

  • Wow, ang ganda naman ng litrato mo… tamang-tama ang pagdala ninyo ng kamera… at ang ganda ng timing ng iyong pagkuha. Ang dami nilang nagbubuga ng apoy… mayroon pang isa doon sa likod.

    Naku, sana naman ay ikaw at ang iyong asawa ay mabiyayaan din ng sariling anak… di bale, patuloy mo lang ipagdasal iyan at siguardo ay makikinig din ang ating Diyos.

  • galing ng litrato mo. buti at nakakuha ka ng ganitong litrato.

  • naku, napakadelikado naman ng ginawa mo at hinarangan mo ang mamang kumakain at nagbubuga ng apoy! ang ganda ng larawan. :) late ako sa pagdalaw! :D

    Apoy sa Langit
    Apoy sa Keyk

  • uy, ang ganda ng pagkakakuha! ang gandang gawing postcard!

    siguro DSLR ang camera niyo kaya humawi ang mga tao para sa inyo, no?

    kung may LP award lang sana sa bawat lingguhang kategorya, ikaw na ang panalo! :)

Leave a Reply

 

 

 

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Anti-spam image