Una sa lahat, Maligayang Bati sa Litratong Pinoy! Parang kailan lang, isang taon na pala ang nakakaraan simula noong unang Huwebes na tayo’y nagkaisa. Naalala ko pang ang unang tema natin ay Bilog. Maraming Huwebes akong hindi nasalihan pero masasabi kong naging masaya at worthwhile ang isang taong nakasama ko (online) ang mga kapwa Pinoy Litratista.
Ikalawa, gusto kong humingi ng paumanhin dahil sa aking matagal na pagkawala. Ako po’y nagsilang na sa aking munting Prinsesa (noong 30 Enero) at palagi na lamang gahol sa oras. Sigurado akong maiintindihan ninyo ako. Ako’y bumabawi ngayon at nagdarasal na sana’y makasali na ulit ako palagi linggo-linggo.
Ang aking lahok ay larawan ng aking Prinsesita, si Klaire, kuha noong siya’y isang buwang gulang pa lamang. Sa ngayon, ito ang paboritong litrato ko niya. Hindi ko alam bakit pero gustong-gusto ko tingnan ang litrato niyang ito.

Andito pa ang ibang mga lahok.
~~~~~~~~~~~~~~
First of all, I would like to greet Litratong Pinoy on it’s first Anniversary. Time sure flies so fast, I can still remember the First Thursday when we got together and posted pictures. Our first theme then was “circle”. I missed a lot of Thursdays but I can say that it has been a happy and worthwhile experience being with my fellow Pinoy Photographers.
Secondly, I would like to apologize for being out of the loop lately. See I gave birth to my little Princess on 30 January and it has been busy IRL. I’m sure you’ll understand where I’m coming from. I’m praying that I get to join weekly once again.
Now, here’s my entry for this week, a photo of my Princess, Klaire. This was taken when she was just a month old. And it’s my current favorite among her photos, I don’t know why. I just find myself always looking at it.
:)
Ang ganda ng shot. kakagigil tingnan. Happy Anniversary sa ating lahat sa LP!
Meron nga tayong isa na laging pag tiningnan natin ay naalala natin ang magagandang memorya, ganda naman ng portrait ng iyong bebe….happy LP!
ang cute naman, pwera usog
sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Ang cute-cute naman ng baby mo (pwera usog,hahaha) pakiss naman sa baby :)
Congratulsations, Kaje! :)